Alamin kung ano ang kwalipikasyon upang magtrabaho sa isa sa mga pinaka kilalang posisyon sa industriya ng palirapan at matutunan ang mga kasanayang kailangan para makapagbigay ng magandang serbisyo para sa mga pasahero sa tsek-in, pasukan at terminal ng paliparan.
Ang aming kurso sa pagsasanay ng pagbibigay serbisyo sa mga pasahero ay naghahatid ng mga pangunahing kasanayan, kakayahan at mga kagamitan na kailangan upang mabigyan ang iyong mga pasahero ng tuluy-tuloy, tiyak at mahusay na paglalakbay. Sinasaklaw nito ang pinakabago at pinakanauugnay na karanasan ng pasahero sa eroplano at paliparan, kung ano ang bago sa transpormasyon ng digital at magtuturo din ang mga may karanasang propesyonal at lider sa industriya.
Ang mga matututunan sa Kurso ng IATA sa Pagsasanay ng Pagbibigay Serbisyo sa mga pasahero
Sa pagkumpleto ng kursong ito magkakaroon ka ng mga kasanayan sa:
- Pag-unawa kung paano ang operasyon ng paliparan kaugnay sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero.
- Kaalaman tungkol sa pag-tsek-in ng pasahero at kanilang bagahe pati narin ang mga pamamaraan sa pagsakay, kabilang ang mga pasaherong may espesyal na pangangailangan
- Pagbigay-kahulugan sa kaukulang mga kinakailangan sa regulasyon na may kaugnayan sa transportasyon ng pasahero at bagahe
- Pag-unawa kung paano gumagana ang sistema ng pagreserba gamit kompyuter at sistema ng pagkontrol ng pag-alis ng eroplano
- Tiyakin ang kaligtasan at katiyakan ng transportasyon ng pasahero at bagahe
- Pagbibigay ng higit na mahusay na serbisyo sa pasahero
- Kaalaman tungkol sa mga makabagong teknolohiya sa mga serbisyong para sa mga pasahero
- Pagdagdag ng halaga sa mga kumpanya ngayon at sa hinaharap na naghahanap ng tauhan na may kaalaman at may malaking kasanayan.
Nilalaman ng Kurso
- Introduksyon sa mga operasyon ng paliparan at eroplano
- Mga paraan ng paggamit ng Computer Reservations (CRS) at Departure Control System (DCS).
- Mga pamamaraan sa pag-tsek-in ng pasahero at bagahe (Paliparan o labas ng site)
- Mga kondisyon ng paghahatid sa pasahero at bagahe, mga pamamaraan sa pagsakay ng eroplano at pagpapadala ng pangwakas na mensahe bago ang lipad
- Kaalaman sa mga regulasyon tungkol sa mga bawal na produkto sa eroplano para sa mga ahente ng mga nagbibigay ng serbisyo sa mga pasahero
- Pamamahala ng pakikipag-ugnayan ng mga pasahero
- Mga pamamaraan para masigurado ang seguridad sa paglipad ng eroplano
- Pinahusay na pasilitasyon ng pasahero, pinakabagong mga inobasyon at mga oportunidad magka-trabaho