CIPP o Propesyonal na Sertipikasyon sa Internasyonal Prokurment

Alamin ang lahat ng modernong paraan sa prokurment at teorya gamit ang kurso ng Propesyonal na Sertipikasyon sa Internasyonal Prokurment na mula sa IPSCMI upang maihatid ang pinakamataas na halaga sa iyong organisasyon sa pamamagitan ng mga makabagong proseso ng prokurment.

Ang CIPM ay isa sa pinakamahalagang sertipikasyon upang patunayan ang iyong mga kasanayan at kaalaman sa prokurment. Ang kursong Certified International Procurement Manager ay kinakailangan para sa mga pinuno ng prokurment upang makakuha ng epektibong mga ideya para sa mga nangungunang operasyon sa prokurment.

Ang programa ng CIPP ay idinisenyo para sa mga naghahangad na maging propesyonal sa prokurment. Ito ay isa sa mga pinakakilalang kwalipikasyon sa prokurment sa mundo na angkop para sa mga indibidwal na nakatuon sa pagpapatupad ng pinakamahusay na mga kasanayan sa prokurment at supply chain sa kanilang mga organisasyon. Ang sertipikasyon ng CIPP ay nagpapatunay sa kaalaman at dedikasyon ng mga propesyonal sa prokurment na sundin ang mga etikal na kasanayan sa industriya. Ito ay itinuturing na sukatan ng kahusayan sa larangan ng prokurment. Kapag ikaw ay nagkaroon ng sertipikasyon ng IPSCMI, ikaw ay handa nang gumawa ng pagbabago sa iyong propesyon pati na rin sa organisasyon kung saan ka nagtatrabaho.

Pag-unawa sa pagkakaiba ng prokurment at purchasing

Karamihan sa mga tao ay madalas na nalilito sa parehong terminong ito at napapagpalitan ang dalawang termino. Gayunpaman, mayroon pading pagkakaiba sa pagitan ng prokurment at purchasing na pangunahing nakasalalay sa mga nagawang resulta sa isang organisasyon. Sa madaling salita, ang prokurment at purchasing ay dalawang magkaibang proseso ng negosyo na nauugnay sa prokurment at purchasing ng mga produkto ayon sa mga pangangailangan ng organisasyon. Kung ang isang organisasyon ay hindi matukoy ang pagkakaiba sa pagitan ng prokurment at purchasing, maaari itong makaligtaan ang ilang mga pangunahing bahagi na makakatulong upang mapabuti ang kinakamit na resulta.

Ano ang Purchasing?

Ang purchasing ay ang proseso ng pagbili ng mga kalakal/serbisyo para sa organisasyon. Ito ay isang partikular na tungkulin na nanggagaling sa ilalim ng prokurment. Kasama sa mga karaniwang hakbang sa proseso ang paglalagay ng order, pagpili ng mga suplayer, pagtanggap ng mga produkto/serbisyo, pagbuo ng mga talaan ng mga binili at pagbabayad sa suplayer. Pangunahing nakatuon ito sa mga panandaliang layunin tulad ng pagtupad sa limang karapatan sa isang transaksyon (tamang kalidad, tamang dami, tamang gastos, tamang oras, at tamang lugar).

Ano ang Prokurment?

 

Ang prokurment ay ang proseso ng pagkuha at pagkamit ng mga kalakal mula sa isang ikatlong partido upang matugunan ang mga pangangailangan ng isang organisasyon. Ito ay isang estratehikong proseso na kinabibilangan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng organisasyon, paghahanap ng mga tamang suplayer, pagbuo ng pangmatagalang relasyon sa suplayer, pamamahala ng mga panganib sa prokurment, pakikipagnegosasyon sa mga suplayer at paggawa ng mga kontrata. Ang pangunahing pokus ng prokurment ay upang matiyak ang kakayahang kumita ng organisasyon habang nakatuon sa halaga at pagbabalik ng pamumuhunan. Habang ang purchasing ay nakatutok lamang sa pagkuha ng mga kalakal, ang prokurment ay patuloy na nangangalaga sa mga relasyon ng suplayer, panloob na pangangailangan, mga uso sa pamilihan at mga gastos sa supply chain.

 

Bakit mas mahalaga ang prokurment kaysa sa purchasing?

Ang prokurment ay may mas malawak na termino na sumasaklaw sa ilan sa mga pangunahing tungkulin sa negosyo. Kabilang dito ang pagpili ng mga suplayer, pagpapanatili ng magandang relasyon sa mga suplayer, dokumentasyon at pag-hanay ng mga stratehiya ng prokurment sa stratehiya ng kumpanya. Ang huling tungkulin ay nagpapakita kung paano ang isang maling stratehiya ng prokurment ay maaaring maging dahilan na magbayad ng malaki ang isang kumpanya. Halimbawa, kung ang isang kumpanya ay nagpatibay ng isang berdeng patakaran, dapat din itong ipakita sa stratehiya ng prokurment. Ang tungkulin ng prokurment ay higit na nakatuon sa detalye, nasasangkot ng maraming tao at mga gawain at may estratehikong kahalagahan dahil ito ang nagtutulak sa pangkalahatang takbo ng organisasyon.

 

Institusyon sa Pamamahala ng Internasyonal na Purchasing at Supply Chain o IPSCMI

Ang Institusyon sa Pamamahala ng Internasyonal na Purchasing at Supply Chain o IPSCMI ay isang prominenteng propesyonal na institusyon na nagbibigay ng sertipikasyon sa pamamahala ng purchasing at supply chain sa buong mundo. Ang mga programa at kurso ng pamamahala ng purchasing at supply chain ng IPSCMI ay binibigay sa buong mundo galing sa mga kasosyo sa alyansa.

 

Direktor ng Programa

Si Dr. Sathya Menon ay isang tagatuklas sa edukasyon ng logistiks at supply chain sa Middle East. Siya ay may 25 taong karanasan (kabilang ang pagkonsulta at pagsasanay) sa larangan ng Logistiks, Pamamahala ng Supply Chain at Purchasing. Nakipagtulungan siya sa iba’t ibang MNC tulad ng Ericsson, Compaq at malalaking mga asosasyon tulad ng Samtel, Al Futtaim na tumutulong sa kanila na palawakin ang kanilang mga operasyon sa Supply Chain. Siya ay nagsanay ng higit sa 25,000 mga propesyonal sa larangan ng Logistiks, Prokurment at Supply Chain.

 

Mga Kwalipikasyon:

  • PhD sa Pamamahala ng Logistiks at Supply Chain
  • MBA sa Pamamahala ng Supply Chain
  • MBA sa Pamamahala ng materyal
  • FCIPS – Chartered Fellow of the Institute of Purchasing and Supply (CIPS – UK)
  • FCILT– Chartered Fellow of the Institute of Logistics and Transportation (UK)
  • Executive Program in Artificial Intelligence – Future and Impact on Business Strategy – galing sa MIT Sloan School of Management
  • Certified SAP Consultant for Supply Chain Management galing sa SAP, Germany
  • FCMI from Chartered Management Institute (CMI) sa UK
  • Certified Purchase Manager (CPM) from Institute of Supply Chain Management (ISM) sa USA
  • Certified International Supply Chain Manager (CISCM) from International Purchasing and Supply Chain Management Institute (IPSCMI) sa USA
  • Certified International Commercial Contracts Manager (CICCM) galing sa International Purchasing and Supply Chain Management Institute (IPSCMI) sa USA
  • Certified International Professional Training Consultant (CIPTC) galing sa American Certification Institute (ACI) sa USA
  • Certified Professional Purchasing Manager (CPPM) galing sa American Purchasing Society (APS) sa USA
  • Certified Purchasing Professional (CPP) galing sa American Purchasing Society